Saturday, July 23, 2011

Pilipinas: Kayganda mo

ANG PILIPINAS AY ISA SA MGA MAGAGANDANG BANSA SA BUONG MUNDO

Maraming magagandang lugar sa Pilipinas.

Taralets ! Lakbayin natin ang mga magagandang lugar sa Pilipinas !



Ang Boracay ay isa sa magagandang lugar na pwede kang magbakasyon. Magaganda at mapipino ang mga buhangin dito. Ang dagat naman ay parang kristal sa kalinisan. Ang dagat dito ay perpekto para sa paglangoy,pangingisda,paglalayag at kung ano-ano pa na naayon sa dagat. Matatagpuan ang Boracay sa Aklan.



Enchanted river in Surigao, Del sur

 Ang mga isla ng Surigao ay binubuo ng mga magagandang dagat.Pwede ka nang hindi pumunta sa Hawaii para magsurf dahil dito sa Surigao ang alon ay parang Hawaii na.






Ang isla ng Samal ay may maraming marilag na dagat.Marami silang mga puno ng mangroves,coral reefs,kabundukan,at marami pang iba.Halos lahat ng dagat dito ay my mapuputing buhangin.






Ang Bohol ay isa sa magagandang tanawin sa Pilipinas. Meron silang maalindog na mga dagat,marilag na kabundukan,talampas,mga bukal at marami pang iba.Dito matatagpuan ang Chocolate Hills na isa sa mga magandang burol sa buong mundo.Dito rin matatagpuan ang pinakamaliit na unggoy sa buong mundo na tinatawag na tarsier.


Ang Palawan ay nananatiling kakaiba ang kagandahan.Ito ay binubuo ng mraming dagat na may puting buhangin,kahanga-hangang kweba,at marami pang iba.Marami pang magagandang lugar sa Palawan tulad ng Saint Paul's National Park na binubuo ng mga kweba at may underground rivers;El Nido,na pang world-class ang ganda.



Ang Gumasa sa Glan ay may world-class na dagat.Meron din silang mga kapatagan,burol,at kabundukan.Ito ay pimbihirang lugar at maraming turista ang pumupunta dito pag tag-init dahil sa kakaibang dagat nito.


Ang Subic Bay ay isang perpektong lugar para sa mga turista dahil meron silang mag tourism- support facilities,yacht club,hotels,shopping arcades at marami pang iba.

Konti pa lang yan ! Marami talagang magagandang tanawin sa ating bansa kaya marapat lang na ipagmalaki natin sa buong mundo ang ating bansa !

No comments:

Post a Comment